Here I am again making reminisce the past. Hirap talaga pag wala kang ginagawa. Naaalala ko mga nakaraang nakalipas na. Naisip ko lang na I am 20-ish years old na. Although my facebook, twitter for you to get connected with your old friends, old classmates, relatives from all over the universe diba minsan hindi mo rin maiiwasang mapaisip. Marami lang talaga akong naaalala sa aking nakaraan, minsan mapapatawa ka, maiiyak ka, magagalit ka. Parang TANGA lang ba.
So here goes...
Nung Nursery ako sa Valuenzuela Preparatory school. Malapit lang sa house namin sa Makati. Dalawang kanto lang. Hinahatid ako ng Yaya ko, minsan Mommy ko (Grandmother), or Tita ko.
1st kwento...Umpisahan natin sa kwento kong "CRY-Baby to the nth power"...
Meron akong classmate na iyak ng iyak tuwing papasok na lang. Akala mo end of the world na.. as in.. Syempre di ko na maalala ang name niya. Basta every single day na lang, hilahan sila ng yaya niya sa pagpasok sa classroom. Tapos pag mag-uumpisa na yung classes. Lalabas na ang mga Yayas sa labas. Simula na ang hulapaw niya...as in kala mo kinakatay sabay...Hagulgol.. Yaya nang Yaya...eh hello ilang steps lang naman yung Yaya niya sa classroom.. kala mo naman mamamatay pag hindi nakikita ang Yaya niya. Kakalurky diba. Anyway, cause of delay talaga siya kasi kailangan pa namin siyang intayin tumahan para makapagsimula yung classes namin. Haist. Sabi ko nga sa inyo everyday talaga ganun hanggang matapos na ang year. Naisip ko lang kamusta na kaya siya ngayon? Iyakin pa rin kaya siya or marami na siyang pinaiyak. Hehe!
2nd kwento... Tawagin na lang natin itong "KID ON TRAINING"
Naalala ko ulit yung Nursery pa ako, 1st HONOR ako nun. (Ehem! Ehem!). Boring na sa akin noon yung binibilang kung ilan yung nasa loob nang box sa blackboard, magdrawing-drawing ng TREE, BALL and APPLE.. o di'ba puro ganun. Habang pinagpapawisan na nang malagkit ang mga classmates ko sa kakaisip kung ilan ang nasa box na yun. Eh kasi ba naman mula ata 4 years ako. Kabisado ko ang buong kong pangalan, (sa mga nakakakilala sa akin alam nilang kung gaano kahaba ang name ko kasama na ang middle initial ko ha) , ang buong address namin sa bahay and ang anim ..yes 6 landline numbers namin sa bahay. Hahaha! Parang call center lang di'ba sa dami ng telepono. May business kasi kami sa house kaya ganun. Kaya marami kaming telephone #'s. 6 digits pa nga yung iba dun. Ngayon 7 digits na ang mga landline numbers ngayon di'ba. Ang training ko nun. Sa umaga, sa tanghali at gabi. 7 days a week. Sa tuwing kakain ng breakfast bago ako subuan nang Mommy ko. Or bago ako patulugin sa tanghali. Or bago ako maglaro kasama ang mga friends ko.
Daily routine yan..
"My name is blah..blah. I am blah blah years old."
"I lived in blah blah blah, Makati City."
"My father's name is blah blah."
"My mother's name is blah blah."
"My sister's name is blah blah.."
"Our telephone numbers are.. blah..blah..blah.."
Ganyan. Bongga. Ayon, kaya lahat nang pinagaaralan namin sa classroom. Kering-keri ko na. Anyway kahit boring naman ang studies namin nun. Inspired naman akong tingnan ang crush ko. na classmate. Hindi ko na rin maalala ang name niya, Sayang. Nasaan na kaya siya ngayon. Hmmm.. Hihi! Uy kilig!
3rd kwento.. let's name it "SPEECH GALORE!"
Graduation Day namin ng Nursery, Haist natapos din ang boring na mga araw. Yabang! Anyway dahil nga 1st honor ang lola mo. Ang teacher nag-prepare ng speech para sa akin. I remember nasa yellowpad pa nga yun. Handwritten pa. So everyday pag-uwi nang Mama ko from work, She takes time to make me memorize the lines from that Speech. After 3 days kabisadong kabisado ko yun talaga. Then day of the graduation. Pagdating ko palang sa school , alam ko na may isa akong word na nakalimutan. Shocks talaga! So eto na dumating na ang pinakaiintay ko time. Parang may invisible drumroll sa tenga ko. DOOMDAYS na.. Sira na ang Limelight ko. Waaahhh! So bago ako pumunta sa gitna nang stage at bago ako bitayin, binulungan ko ang teacher ko.. At biglang may kinuha siya sa drawer niya. Yes! Parang may Yellow na bulb na lumitaw sa ulo ko. TING! May kopya siya. Go ready FIGHT! Kung makikita ninyo lang ang photos ko. Nakahawak pa ako sa mic na parang kakanta lang. Hahaha... So ayun natapos din ang speech. Tapos na ang Nursery days ko..Hooray. Palakpakan angt mga classmates ko and mga parents..Thank to my Teacher kaso (hindi ko na rin maalala ang name niya)..
Next stop Elementary days... Pero next time na yun. Para exciting! =)
No comments:
Post a Comment