Hi there! Sa pagpapatuloy nang aking kabanata bilang Kabataan. IKR! Naalala ko lang kung gaano ako ka-maldita nung bata ako. Sa bahay nga lang namin sa Makati dati lahat as in... LAHAT nang hindi ko kakilala at nakita ko sa bahay namin pinapalayas ko. As in.. "Sino ka?" anong ginagawa mo sa house namin? Lumayas ka sa bahay ko. As if akin yun. Hahaha.. Ganyan ang drama nang lola mo di'ba.
Anyway. I remember Grade One ako noon and nasa school ako. I jumped from Nursery to Grade One na kasi masyado daw akong advance sa learnings. (Ikaw na ang mataas ang I.Q.) Hahaha.. YABANG! Anyways nasa classroom kami. And hindi naman sa pagmamayabang may karangyaan ang lola mo noon and kami lang naman ang mga unang apo. Dalawa pa lang kami ng sister ko noon and ako pa ang bunso. So lahat ng attention nasa amin.
And may pagka-"SOSY" naman talaga ang lola mo. Hindi ako pumapasok sa school nang walang ribbon sa hair or braided or something. Mga imported ang bags and stuff. In short, can afford ang Lola mo di'ba.
And so the story begins...
May classmates akong inggiterra talaga to the maximum level. Tawagin na lang natin siya sa namesung na "MITCH the BITCH". One day pumasok si "Mitch the Bitch" and pinagmalaki sa aming lahat na siya ang may bagong... *drumroll* *suspense*....and tsaran, "PENCIL"... (in fairness, If I remember it right maganda naman talaga ang pencil niya, yung may mga theme pencil na may mga design, Princess pa ata yun or something). Anyway hindi ko na matandaan kung ano mang exact look. So mega labas siya nang kanyang Pencil. Mega kausap to each and every classmates we have on earth. (Exaggerate!) So unfortunately kasama ako sa classmates niya di'ba. So mega wagayway siya sa fesh ng lola mo nang mega mabahong pencil naman talaga. And wala naman paki ang lola ketchs. Imported kaya lahat ang mga Stuff ko. DUH! So wala akong pakialam sa pinagmamalaki niyang pencil na binili lang ata sa DIVERS (Divisoria) or some bangketa na kala mo nag-iisa lang yung pencil na yun on earth.
Anyways, our first class begin. Mega gamit naman siya nang Pencil na yun. Na ang dami-dami niyang sinusulat, eh wala naman kaming writing lessons. Nung grade one kami wala naman kami ginawa kungdi magkantahan nang walang kamatayang *clears throat EHEM! Ehem! then sings* "Ang mga ibon na lumilipad... lalala" o alam mo na yun tsaka " One little two.. little three...little Indians..." Ganyan! Pero sulat pa rin siya nang sulat. Ang yabang kakainis. Para lang mapansin namin na "HELLO WORLD, I HAVE A NEW PENCIL". So ang lola mo nag-iisip na nang something brutal sa isip niya to that girl. *evil smile*.
Nag-recess na kami. Syempre nilabas ko na ang aking COLEMAN na lunchbox and ate my CHEESEWIZ-SPREAD-SANDWICH and kinuha ang aking COLEMAN na JUICE container. Habang siya kumakain nang tinapay or something at ZESTO. So after eating my recess I went outside the room to go to the ladies room which is just across our classroom to wash my hands. Then pagbalik ko. Nakita ko na mega cry ang "Mitch the Bitch". Ano naman kayang kaartehan meron ang babaitang ito at umiiyak nang bonggang-bongga. As in top of her lungs pa ang iyak niya. I was about to sit on my chair when my teacher called me up. So lapit naman ang lola mo. And then the next thing shocked me..
"Madamme, siya po yung kumuha ng pencil ko". "Mitch the Bitch" said.
"What?!?" I did not steal anything from you." I defended myself.
"Kanina mo pa tinitingnan yung pencil ko. Tapos kinuha mo nung recess tayo." "Mitch the Bitch" said.
"I'm sorry I did not steal anything from you. And I don't even like your pencil." I said.
"Ibalik mo na yung pencil ko. Bigay yun nang Mommy ko sa akin". "Mitch the Bitch" said.
And before I could say something again sabi nang teacher to bring my bag to her. And so I did. And when the teacher is looking at all my private things. Tsaran lumabas ang Pencil sa Bag ko.
"Yan po. Yan po ang Pencil ko, Madamme". "Mitch the Bitch" said.
OMG! I can't believe it. Paano siya napunta sa bag ko. She or somebody else might have put it inside my bag while I was away. KABOOM!! So the next thing I knew pinagagalitan na ako nang teacher ko from stealing things which are not mine. Habang si "Mitch the Bitch" ang ngi-ngisi-ngisi lang sa upuan niya habang nakatingin sa akin. Anyway, bumagsak talaga ang jet ko nung araw na yun. Everybody thinks I'm a culprit. Muntik pang ipatawag ang parents ko pero sabi nang teacher ko first warning na lang daw iyon.
So next day came...
Magkikita na naman kami nang "Mitch the Bitch" na iyon.
WORLD WAR na ito. HANDA NA ANG MGA BOMBA, C-5 AND KANYON.
So pagpasok ko nang classroom. Nakatingin lahat nang classmate ko sa akin. And kasama na dun si "Mitch the Bitch". Lumapit siya sa akin then.
"O ano napahiya ka kay Madamme noh. Kala mo kung sinong mayaman. Magnanakaw pala." Mitch the Bitch said.
At that point nagpanting talaga ang tenga nang lola mo..
"Hindi ako nagnakaw nang pangit mong pencil". Sabay labas nang maraming imported pencils sa bag ko at pinamigay ko sa mga classmate ko.
Tuwang-tuwang naman ang mga classmates ko.
I can't stop really.
"Hindi ko kailangan ang mga cheap at pangit mong Pencils na baka binili mo lang sa bangketa or somewhere". Hindi ako bumibili nang pangit na kagaya mo. At sa susunod na pagbintangan mo ako at gawan ng kwento. Malalagot ka sa akin." I said.
I can see from her eyes na inggit na inggit siya sa mga classmates namin na nagkakandarapa sa pagpili nang mga magagandang pencils na pinamigay ko sa kanila. Akala ko tapos na ang gera and ilalabas na niya ang White flag to surrender. So tatalikod na sana ang lola mo. Eh, humirit pa siya.
"Sabi nang Mommy ko Maganda daw ako. HMP!" "Mitch the Bitch" said.
"Ah ganoon ba? Syempre Mommy mo yon. Alanga namang sabihan ka nang pangit nang sarili mong Nanay, eh sa kanya ka galing noh. Siguro pangit kayo pareho nang Nanay mo." I shouted.
1...2....3...
Bulahaw ang "Mitch the Bitch". habang tawa nang tawa ang Lola mo.
But of course. I was again scolded again by my teacher when she saw that girl crying. Okay lang naman kasi I got my revenge. I can't remember kung pinatawag ba nila ang parents ko the next day.
So isa lang yan sa mga kwento nang katarayan ko nung bata ako. Kahit nga nung nasa London ako hindi ko pinapalampas yng mga Briton kong kaaway nung bata pa ako eh. Which I will tell you the story...next time.. so abangan... =)
No comments:
Post a Comment