...something about me...

My photo
Santa Rosa City, Laguna, Philippines
***I'm a certified "HOMEBODY". I rather stay home than go anywhere. I'll just go out if I'm going to the mall to buy something important, or the bookstore, or important things to go to, or if I have work,but besides all that,I'm always home. *** To be honest I'm not the kind of person who trust somebody just like that. I can be friendly to you and be friends but I only have a few who I can call "true". ***I can be a SNOBBISH to everybody but yeah sometimes I am, especially if I'm moody. ***I am a very honest person, If I like you, I'll tell you straight and If I don't, I won't tell you BECAUSE you'll be hurt (I'm not that bad, just honest) ***I don't have a boyfriend 'coz I chose not to have 'coz I don't want to have,'coz I don't like to have, if you have any problem with that, it's your problem not mine 'coz it's my choice not yours, my life, not yours. (Goodluck to my suitors!) ***I can be mature, I can be childish, I can be anything I want if I wanted to. ***I am Bless, Thank You! ***My names is Kei, and this is me.

Tuesday, January 10, 2012

POPSTAR PRINCESS....is going down...

Em' back! (Nag-abroad teh?!?).  Wala lang, Rest day ko for 2 days pero wala naman akong ginawa.  Natulog lang ako nang natulog, so in-short very unproductive ang lola mo... hahaha.. Eh sa natatamad ako eh.  Anong pake mo?!? Life mo toh!  Life mo toh!  So sa totoo lang tinatamad din akong mag-blog today.  Pero parang may bumubulong- bulong sa akin na kailangan mo mag-sulat ngayon kung hindi WAPAK!  WAPAK! Ganyan.  So eto na...

Naalala ko lang nung isang araw or nung isang linggo pa ata yun or whatever.  Di ko na maalala.  Haha!  Sabi ko talaga iba-BLOG ko ito dahil karapatan nang mamamayang taga "COLCENTAH" (British accent!!) na malaman ang kabalahurang ginawa nang babaitang ito.  Tawagin nalang natin siya sa namesung na "POPSTAR Princess"  (kilala ninyo naman siguro kung sino ang POPSTAR Princess di'ba, kapangalan niya kasi iyon).  So Eto na nga.  Eto yung mga panahong, Kyu-wing ang lola mo.  As in nag-jump from like "AVAIL" to "300" calls waiting dahil sa pesteng "PRICE INCREASE" na yan.  BUSET!?!.  Anyways eto na nga ang storya noh...  Hindi naman masyadong nakakatanggap ang lola mo nang mga calls masyado regarding price increase.  So kyeme lang.  Cool lang kumbaga.  Then so napakaganda nang mood nang lola mo with a smile and everything.  Then all of a sudden...

*kring* *kring*

"Hi Czari,  How can I help?"... sabi nang Lola mo..

"Hi Czari, This is "POPSTAR Princess".

"Hi "POPSTAR Princess"... Yes?".. I replied.

From the sound of her voice (and the accent syempre),  I knew already that she is also a Filipino like me.  So perky pa rin ang lola mo...

"Yes?"...  I asked again..

"ahmm, Czari.  I have a customer on the other line, who wants to speak to you directly.  She said that you ahhmmm, promised to give her a callback.".. "POPSTAR Princess" said.

Thinking that it might be one of my previous customers that I gave my extension # so if any case they want to talk to me directly they can.  And before I agree to transfer..

"What's the query about, and what have you discussed with the customer already?".  I asked. (following the normal escalation process..)

"Nothing,  The customer wants to speak to you directly...*then giggles* ".  "POPSTAR Princess" said.

So medyo curious na ang lola mo.  So I asked...

"Where are you calling from "POPSTAR Princess"?.. 

"Ahhmm.. *hesitates to answer* ahmmm (5 seconds interval).. I'm from CSB. " She answered.

"So we are from the same department, so why are you calling me?".  I asked.

"Coz, well the customer wants to talk to you, she said "Czari"."  "POPSTAR Princess" said.

So without further ek-ek.. I said okay you can transfer the call to me.  I'll handle the call.

*giggles* Thank you so much...  She said.

(call was transferred to me....)

"Hi. I believe you want to talk to me?"  (perky pa aketch)

"What the "H" is the "F" of the PRICE increase? $%$^#*&$".  (customer very angry...)

Mega shocked ang lola mo ever...but still composed....

"I understand, but I can tell you all about it..."  I said

"*^#%$^&$&".  (customer still cursing...)

"POPSTAR Princess" said you want to talk to me.

"I never said that.." customer said.

"What?, So you never asked for me, Czari"..  I asked..

"Nope,  I don't even know you.  I was asking her about the PRICE INCREASE, and then she said she is going to check something for me and put me on hold..and the next thing I knew you answered the fone."  The cx clearly said.

"Okay, you never asked for me and you don't even know me, and you never asked for a manager too."  I clearly said.  

"NO!"  but if you can explain about it.".  cx said.

At that time kahit composed pa ang lola mo Irate na talaga ako.  (You transferred a call to me, giving me false information and now I get to deal with an Irate cx.  But because nag-eescalate naman ang lola mo...)

"Sure.. I will.."  I said calmly.

So mega explain naman ang lola mo sa cx about the PRICE increase na yan... And natapos din ang call.  But ofcourse that didn't end there..

Mega post ako sa Chatroom..dahil irate na ang lola mo... Nasira ang good mood ko friend..

"Somebody transferred a call to me with a very irate cx, giving false information to me, to get rid of a call, you know clearly what "CALL AVOIDANCE" means...don't you?".. (naglecture naman bigla si aketch...)

So mega react naman ang mga chatters...

And ang aking TEAM hindi nakatiis.. Tinawag ang T.L. that's suppose to handle "POPSTAR Princess"...

Reaction to the maximum level sila..  OMG!  Sobrang torture the "POPSTAR Princess" with mega parinig talaga ang team sa buong floor.

Lapit naman sa akin ang T.L. (na friend ko naman din)...

"Friend, sorry, sobra na talaga yang "POPSTAR Princess" na yan.  Kaka-coaching lang namin kanina.  Marami na talaga yang kaso." .. my TL friend said.

"Okay lang naman mag-escalate nang call friend, kahit pa sobrang irate nang customer.. kaso friend yung magsisinungaling ka pa sa akin na wala naman kayong napag-usapan and hinahanap lang talaga ako nung customer..kaso friend ni hindi nga ako kilala nung cx, hindi naman daw naghahanap nang manager.  nagpapaex-plain lang about sa Price Increase"...  (..Irate pa rin aketch nang konti..)

"Sorry na talaga.  Ano bang gusto mong gawin natin.. Escalate na natin."  . My T.L. friend said.

"Well, ikaw ang T.L.  It's up to you.  Ikaw na bahala,  You know better...".  I just kindly said..

"Ok, But I owe you one...".. My T.L. friend said..

"Okay, no problem.."... I said..



Buti nalang friend ko yung T.L. mo kung hindi lagot ka talaga sa akin bruha ka.  And as for you "POPSTAR Princess" this is not the end of it.  If you don't want to take in calls, then ONE THING to do and let me spell it for you... "R-E-S-I-G-N". Ganyan! At yung hindi gumaganda ang stats mo dahil sa kaka-CALL AVOIDANCE mo... wag ganun.  BAD YUN!  Ma-swerte ka dahil ako'y may one-off leeway policy sa sistema ko, kung hindi.. KABOOM! ang mundo mo...  Subukan mo pang ulitin yan dear "POPSTAR Princess".  Escalation next level ka na.  Naawa pa nga ako sa'yo dahil sabi nang friend T.L. ko. marami ka nang kaso, baka di na magkasya kung dadagdagan ko pa...HMP! =)

So next time kung mag-aa-ttempt ka nang "CALL AVOIDANCE".. pipiliim mo kung sino ttransferan mo ha... Or to be safe don't try to do CALL AVOIDANCE... =)

GOODBYE BLOGSPOT...HELLO TO TUMBLR... OR NOT?

Ang hirap...ang hirap-hirap-hirap talaga!


Ang hirap mag-manage ng blog pala.   

Kala ko kwento-kwento lang, chika-chika lang. Copy/paste lang.  Ganun lang pero ang hirap pala.  Lalo na pag dala-dalawa ang blog mo.  Hindi ko alam kung anong uunahin mong gawin.  Nakakapuyat na.  Nakakasakit pa nang ulo.  

Stressful ha!.   

Pero pag binabalikan mo naman ang mga post mo.  Ang saya naman ng feeling mo.  May kakaibang kaligayahang dulot ito.  Daig pa ang drugs.  Hay ang gulo!  

Anyway.  I will try my very best to manage this blog and maintain it plus my other blog. keisan-mypurplediary.tumblr.com. (check it out)  

Pressure ito! Ngayon lang ako nahirapan ng ganito sa buong life ko. Hahaha... Daig pa ang final exams!

As if naman hindi madaldal ang lola mo noh.

Sa totoo lang.  I have so many things to blog about.  Ang sa sobrang dami nila.  Hindi ko alam kung anong uunahin kong ipost.  Hindi pa kasama diyan yung mga biglaang naisip ko lang dahil biglang may out-of this world experience lang.  Or minsan "EMO" lang. Ganyan!  Pero dadami rin ang post ko.  Ang hirap lang naman kasing mag-edit ng post.  Hindi naman kasi expert ang lola mo sa photoshop, or editing ng HTML.  Hanggang copy/paste lang ang alam ko.  To be honest.  Buti nalang I have my friends na pwede akong gawan ng banner, profile, and mag-edit ng aking blog, pati themes ang design.  Ang swerte ko lang talaga!

So of course I would like to thank them.  (YOU KNOW WHO YOU ARE!) Hindi na dapat pang isa-isahin dahil baka may makaligtaan ako at magselos pa ang iba jan.

Well from the bottom of my hyphothalamus.  THANK YOU SO MUCH!

So, sa mga susunod na araw.  Hintayin ninyo ang mga post ko.

You'll never know.  I might create another blog.  Matagal-tagal ko na rin naman pinag-iisipan. Hmmm....

=)

Tuesday, January 03, 2012

GOODBYE 2011...WELCOME 2012

JUST WISHING A VERY BLESSED NEW YEAR TO US!

I know, late na.. kasi it's like what... 3 days after the NEW YEARS DAY? Eh sa ngayon lang ako nag NEW YEAR eh.  Sa sobrang busy ng lola mo sa work, walang CHRISTMAS and NEW YEAR.  First time kong mag Christmas and New Year sa office.  Graveh ang weird ng feeling.  Syempre halo-halo.  Malungkot kasi hindi ko na-spend yung Christmas and New Year at home with my family.  And hindi ko nga alam kung anong hinanda nila, ni wala ngang pictures for evidence eh!  Ang good news dun is may HOLIDAY PAY.  Yun na lang ang "consuelo de bobo" di'ba.  Anyway, sana this year may magagandang bagay naman na mangyari sa life ko, at life nating lahat.  Yun lang. YAY! =)

Tuesday, December 13, 2011

"MALDITANG GRADE ONE"

Hi there!  Sa pagpapatuloy nang aking kabanata bilang Kabataan.  IKR!  Naalala ko lang kung gaano ako ka-maldita nung bata ako.  Sa bahay nga lang namin sa Makati dati lahat as in... LAHAT nang hindi ko kakilala at nakita ko sa bahay namin pinapalayas ko.  As in.. "Sino ka?" anong ginagawa mo sa house namin?  Lumayas ka sa bahay ko.  As if akin yun. Hahaha.. Ganyan ang drama nang lola mo di'ba.  

Anyway.  I remember Grade One ako noon and nasa school ako.  I jumped from Nursery to Grade One na kasi masyado daw akong advance sa learnings.  (Ikaw na ang mataas ang I.Q.) Hahaha.. YABANG! Anyways nasa classroom kami.  And hindi naman sa pagmamayabang may karangyaan ang lola mo noon and kami lang naman ang mga unang apo.  Dalawa pa lang kami ng sister ko noon and ako pa ang bunso.  So lahat ng attention nasa amin.  

And may pagka-"SOSY" naman talaga ang lola mo.  Hindi ako pumapasok sa school nang walang ribbon sa hair or braided or something.  Mga imported ang bags and stuff.  In short,  can afford ang Lola mo di'ba.


And so the story begins...

May classmates akong inggiterra talaga to the maximum level.  Tawagin na lang natin siya sa namesung na "MITCH the BITCH".  One day pumasok si "Mitch the Bitch" and pinagmalaki sa aming lahat na siya ang may bagong... *drumroll* *suspense*....and tsaran, "PENCIL"... (in fairness, If I remember it right maganda naman talaga ang pencil niya, yung may mga theme pencil na may mga design, Princess pa ata yun or something).  Anyway hindi ko na matandaan kung ano mang exact look.  So mega labas siya nang kanyang Pencil.  Mega kausap to each and every classmates we have on earth.  (Exaggerate!) So unfortunately kasama ako sa classmates niya di'ba.  So mega wagayway siya sa fesh ng lola mo nang mega mabahong pencil naman talaga.  And wala naman paki ang lola ketchs.  Imported kaya lahat ang mga Stuff ko. DUH!  So wala akong pakialam sa pinagmamalaki niyang pencil na binili lang ata sa DIVERS  (Divisoria) or some bangketa na kala mo nag-iisa lang yung pencil na yun on earth.

Anyways,  our first class begin.  Mega gamit naman siya nang Pencil na yun.  Na ang dami-dami niyang sinusulat, eh wala naman kaming writing lessons.  Nung grade one kami wala naman kami ginawa kungdi magkantahan nang walang kamatayang *clears throat EHEM! Ehem! then sings* "Ang mga ibon na lumilipad... lalala" o alam mo na yun tsaka " One little two.. little three...little Indians..." Ganyan! Pero sulat pa rin siya nang sulat.  Ang yabang kakainis.  Para lang mapansin namin na "HELLO WORLD,  I HAVE A NEW PENCIL".  So ang lola mo nag-iisip na nang something brutal sa isip niya to that girl. *evil smile*.  

Nag-recess na kami.  Syempre nilabas ko na ang aking COLEMAN na lunchbox and ate my CHEESEWIZ-SPREAD-SANDWICH and kinuha ang aking COLEMAN na JUICE container.  Habang siya kumakain nang tinapay or something at ZESTO.  So after eating my recess I went outside the room to go to the ladies room which is just across our classroom to wash my hands.  Then pagbalik ko.  Nakita ko na mega cry ang "Mitch the Bitch".  Ano naman kayang kaartehan meron ang babaitang ito at umiiyak nang bonggang-bongga.  As in top of her lungs pa ang iyak niya.  I was about to sit on my chair when my teacher called me up.  So lapit naman ang lola mo.  And then the next thing shocked me..

"Madamme, siya po yung kumuha ng pencil ko".  "Mitch the Bitch" said.

"What?!?" I did not steal anything from you."  I defended myself.

"Kanina mo pa tinitingnan yung pencil ko.  Tapos kinuha mo nung recess tayo."  "Mitch the Bitch" said.

"I'm sorry I did not steal anything from you.  And I don't even like your pencil."  I said.

"Ibalik mo na yung pencil ko. Bigay yun nang Mommy ko sa akin".  "Mitch the Bitch" said.

And before I could say something again sabi nang teacher to bring my bag to her.  And so I did.  And when the teacher is looking at all my private things.  Tsaran lumabas ang Pencil sa Bag ko.

"Yan po. Yan po ang Pencil ko, Madamme".  "Mitch the Bitch" said.
 
OMG!  I can't believe it.  Paano siya napunta sa bag ko.  She or somebody else might have put it inside my bag while I was away.  KABOOM!! So the next thing I knew pinagagalitan na ako nang teacher ko from stealing things which are not mine.  Habang si "Mitch the Bitch" ang ngi-ngisi-ngisi lang sa upuan niya habang nakatingin sa akin.  Anyway, bumagsak talaga ang jet ko nung araw na yun.  Everybody thinks  I'm a culprit.  Muntik pang ipatawag ang parents ko pero sabi nang teacher ko first warning na lang daw  iyon.

So next day came...

Magkikita na naman kami nang "Mitch the Bitch" na iyon.  

WORLD WAR na ito. HANDA NA ANG MGA BOMBA, C-5 AND KANYON.

So pagpasok ko nang classroom.  Nakatingin lahat nang classmate ko sa akin.  And kasama na dun si "Mitch the Bitch".  Lumapit siya sa akin then.

"O ano napahiya ka kay Madamme noh.  Kala mo kung sinong mayaman.  Magnanakaw pala." Mitch the Bitch said.

At that point nagpanting talaga ang tenga nang lola mo..

"Hindi ako nagnakaw nang pangit mong pencil".  Sabay labas nang maraming imported pencils sa bag ko at pinamigay ko sa mga classmate ko.

Tuwang-tuwang naman ang mga classmates ko.

I can't stop really.

"Hindi ko kailangan ang mga cheap at pangit mong Pencils na baka binili mo lang sa bangketa or somewhere".  Hindi ako bumibili nang pangit na kagaya mo.  At sa susunod na pagbintangan mo ako at gawan ng kwento.  Malalagot ka sa akin."  I said.

I can see from her eyes na inggit na inggit siya sa mga classmates namin na nagkakandarapa sa pagpili nang mga magagandang pencils na pinamigay ko sa kanila.  Akala ko tapos na ang gera and ilalabas na niya ang White flag to surrender.  So tatalikod na sana ang lola mo.  Eh, humirit pa siya.

"Sabi nang Mommy ko Maganda daw ako. HMP!"  "Mitch the Bitch" said.

"Ah ganoon ba? Syempre Mommy mo yon.  Alanga namang sabihan ka nang pangit nang sarili mong Nanay, eh sa kanya ka galing noh.  Siguro pangit kayo pareho nang Nanay mo."  I shouted.


1...2....3...

Bulahaw ang "Mitch the Bitch".  habang tawa nang tawa ang Lola mo.

But of course.  I was again scolded again by my teacher when she saw that girl crying.  Okay lang naman kasi I got my revenge.  I can't remember kung pinatawag ba nila ang parents ko the next day. 

So isa lang yan sa mga kwento nang katarayan ko nung bata ako.  Kahit nga nung nasa London ako hindi ko pinapalampas yng mga Briton kong kaaway nung bata pa ako eh.  Which I will tell you the story...next time.. so abangan... =)

Sunday, December 11, 2011

A THING OR TWO ABOUT THE PAST...

Here I am again making reminisce the past.  Hirap talaga pag wala kang ginagawa.  Naaalala ko mga nakaraang nakalipas na.  Naisip ko lang na I am 20-ish years old na.  Although my facebook, twitter for you to get connected with your old friends, old classmates, relatives from all over the universe diba minsan hindi mo rin maiiwasang mapaisip.  Marami lang talaga akong naaalala sa aking nakaraan, minsan mapapatawa ka, maiiyak ka, magagalit ka.  Parang TANGA lang ba.

So here goes...

Nung Nursery ako sa Valuenzuela Preparatory school.  Malapit lang sa house namin sa Makati.  Dalawang kanto lang.  Hinahatid ako ng Yaya ko, minsan Mommy ko (Grandmother), or Tita ko.

1st kwento...Umpisahan natin sa kwento kong "CRY-Baby to the nth power"...



Meron akong classmate na iyak ng iyak tuwing papasok na lang.  Akala mo end of the world na.. as in.. Syempre di ko na maalala ang name niya.  Basta every single day na lang, hilahan sila ng yaya niya sa pagpasok sa classroom.  Tapos pag mag-uumpisa na yung classes.  Lalabas na ang mga Yayas sa labas.  Simula na ang hulapaw niya...as in kala mo kinakatay sabay...Hagulgol.. Yaya nang Yaya...eh hello ilang steps lang naman yung Yaya niya sa classroom.. kala mo naman mamamatay pag hindi nakikita ang Yaya niya.  Kakalurky diba.  Anyway, cause of delay talaga siya kasi kailangan pa namin siyang intayin tumahan para makapagsimula yung classes namin.  Haist.  Sabi ko nga sa inyo everyday talaga ganun hanggang matapos na ang year.  Naisip ko lang kamusta na kaya siya ngayon?  Iyakin pa rin kaya siya or marami na siyang pinaiyak.  Hehe!

2nd kwento...  Tawagin na lang natin itong "KID ON TRAINING"

 Naalala ko ulit yung Nursery pa ako,  1st HONOR ako nun.  (Ehem! Ehem!).  Boring na sa akin noon yung binibilang kung ilan yung nasa loob nang box sa blackboard, magdrawing-drawing ng TREE, BALL and APPLE.. o di'ba puro ganun.  Habang pinagpapawisan na nang malagkit ang mga classmates ko sa kakaisip kung ilan ang nasa box na yun.  Eh kasi ba naman mula ata 4 years ako.  Kabisado ko ang buong kong pangalan, (sa mga nakakakilala sa akin alam nilang kung gaano kahaba ang name ko kasama na ang middle initial ko ha) , ang buong address namin sa bahay and ang anim ..yes 6 landline numbers namin sa bahay. Hahaha!  Parang call center lang di'ba sa dami ng telepono.  May business kasi kami sa house kaya ganun.  Kaya marami kaming telephone #'s.  6 digits pa nga yung iba dun.  Ngayon 7 digits na ang mga landline numbers ngayon di'ba.  Ang training ko nun. Sa umaga, sa tanghali at gabi. 7 days a week.  Sa tuwing kakain ng breakfast bago ako subuan nang Mommy ko.  Or bago ako patulugin sa tanghali.  Or bago ako maglaro kasama ang mga friends ko.

Daily routine yan..

"My name is blah..blah.  I am blah blah years old."
"I lived in blah blah blah, Makati City."
"My father's name is blah blah."
"My mother's name is blah blah."
"My sister's name is blah blah.."
"Our telephone numbers are.. blah..blah..blah.."

  Ganyan.  Bongga.  Ayon, kaya lahat nang pinagaaralan namin sa classroom.  Kering-keri ko na.  Anyway kahit boring naman ang studies namin nun.  Inspired naman akong tingnan ang crush ko. na classmate.  Hindi ko na rin maalala ang name niya, Sayang.  Nasaan na kaya siya ngayon. Hmmm..  Hihi! Uy kilig!





3rd kwento.. let's name it "SPEECH GALORE!"

Graduation Day namin ng Nursery,  Haist natapos din ang boring na mga araw.   Yabang!  Anyway dahil nga 1st honor ang lola mo.  Ang teacher nag-prepare ng speech para sa akin.  I remember nasa yellowpad pa nga yun.  Handwritten pa.  So everyday pag-uwi nang Mama ko from work,  She takes time to make me memorize the lines from that Speech.  After 3 days kabisadong kabisado ko yun talaga.  Then day of the graduation.  Pagdating ko palang sa school , alam ko na may isa akong word na nakalimutan.  Shocks talaga!  So eto na dumating na ang pinakaiintay ko time.  Parang may invisible drumroll sa tenga ko.  DOOMDAYS na.. Sira na ang Limelight ko.  Waaahhh!  So bago ako pumunta sa gitna nang stage at bago ako bitayin,  binulungan ko ang teacher ko.. At biglang may kinuha siya sa drawer niya.  Yes! Parang may Yellow na bulb na lumitaw sa ulo ko. TING!  May kopya  siya.  Go ready FIGHT!  Kung makikita ninyo lang ang photos ko.  Nakahawak pa ako sa mic na parang kakanta lang.  Hahaha...  So ayun natapos din ang speech.  Tapos na ang Nursery days ko..Hooray.  Palakpakan angt mga classmates ko and mga parents..Thank to my Teacher kaso (hindi ko na rin maalala ang name niya)..

Next stop  Elementary days... Pero next time na yun.  Para exciting! =) 

Wednesday, December 07, 2011

13th month pay MADNESS!!!

Yehey! December na naman.  Ito na yung mga panahon na malamig ang simoy nang hangin,  Simbang gabi or madaling araw sa iba, Karoling kahit na lagi na lang "PATATAWARIN po", sikat na naman si Santa Claus at si Rudolph, mabenta na namang ang Puto Bumbong at Bibingka  at syempre ang kinapapapabikang Christmas presents.  But wait there's more.  Syempre sa mga hard-working...again hard-working na katulad ko.  Ehem! Ehem!  Ano pa bang hinihintay natin pag December? OH, wag kang plastic kahit di mo aminin, alam ko inaabangan mo rin yan no.  Oh say the magic words na.  What? Ano ulit? Ang ating 13th month pay!!  Yun oh!

Pero ano ba talaga ang 13th month pay.  Naiintindihan mo ba ang ibig sabihin nito or isa ka lang sa mga tao na "Paki ko, basta ako may pera." hehe...  Pero sa mga gustong malaman at baka kulang ng singkong-duling ang mga salary ninyo.  Read on...

What is the 13th Month Pay?

The 13th Month pay by definition according to the labor code means one twelfth (1/12) of the basic salary of an employee within a calendar year. Please take note because it has something to do with how you compute for it. The 13th month pay is mandated under Presidential Decree No. 851 by former President Ferdinand Marcos. Some changes were made in the revised guidelines issued during the time of President Corazon Aquino. Check the links for details on this law.

(Ahhh... so legal ang makatanggap kasi nasa labor code...)

Who are entitled?

All rank and file employees who have worked in the company for at least a month is entitled to a prorate 13th month pay.
(Oh kuha mo... makakatanggap ka nang 13th mo pay kahit isang buwan ka palang sa kompanyang pinapasukan mo basta ba umabot ka nang December eh, o diba, dapat mga November palang tanggap ka na para sakto may 13th mo pay ka sa December, hehe...)

 
How do we compute the 13th month pay?

basic salary within a calendar year/ 12 = 13th month pay

and the way to compute for a prorated 13th month pay if you only work several months(let's say 3) should look like this:
basic salary paid for 3 months/ 12 = prorated 13th month pay

(Example : kung ano ang Basic Salary/Pay mo sa isang buwan = 13th month pay mo na yun, ganun kadali, pero kapag pro-rata ka lang, ilang buwan ka pa lang nag tra-trabaho kumbaga, BAsic Salary/Pay mo multiply mo sa kung ilang buwan ka sa kumpanya then divide mo sa 12 = 13th month pay mo, GETS?)

When must it be paid?

Law says it shall be paid not later than the 24th of December of each year. An employer may also choose to divide payment by paying the first half midyear and the rest on or before the prescribed date.

(O kailangan daw bago mag 24th ng December natanggap mo na yung 13th/mo pay mo. 23rd pde?? hehe)


Is 13th month pay taxable?

If together with other financial benefits the total do not exceed P30,000.00, then it isn't taxable. If it exceeds the said limit, the amount in excess shall be taxable.

(Pag mababa daw sa 30,000 ang 13th month pay mo, hindi taxable, pero kapag manager ka na or CEO, President, or whatever, in excess sa 30,000, taxable na yun, kumbaga kapag 30,100 ang sweldo mo, yung 100 may tax na.. hehehe...)

At marami ka na bang natutunan about 13th month pay mo? or malamang bago mo pa ito mabasa eh ubos na yung 13th month pay mo sa mga pangregalo sa pasko or nag Christmas shopping ka na nang bongga-bongga. HAIST!
Well ang masasabi ko lang.  Salamat at may trabaho pa ako. at sana may Christmas Bonus bukod sa 13th month pay.  Naisip ko lang ang swerte nung ibang bukod sa 13th month, may 14th, 15th month pay pa at Christmas bonus.  Bonggang-bongga ang pasko nila with desert pa.  Echos! =)

http://anythinghr.blogspot.com/2011/11/13th-month-pay-questions-and-answers.html


Wednesday, November 30, 2011

AMAZING...


It's amazing how photos like these could be done.  Parang 3d dimensional na parang pag lumusot ka, nandun kana sa TWILIGHT, hahaha kahit hindi ako TWILIGHT fan, sa totoo lang yung unang-unang movie lang napanood ko eh.  Pero parang when I look at this photo, parang nag-iiba yung mundo ko.  Yung part na pag napunta ako sa kabilang parte ng photo na ito,  kasama ko na si Peterpan, or si Narnia, or lahat masaya.  Yun lang share ko lang.  Wala kasi talaga akong maisip na ibang bagay pag tinitingnan ko ito.  Nag day--daydream na naman ang lola mo.  Well yun lang share ko lang.  Saka na ako makakaisip nang bonggang-bonggang kwento. Enjoy! =)